About Eslove Briones:
Maagang nagkahiwalay ang mga magulang ni Remcon, kaya naman nagpalipat-lipat siya ng eskuwelahan at tirahan depende sa assignment ng kanyang nanay. Nagta-trabaho para sa mga politiko ang kanyang ina, taga-asikaso ng mga bagay-bagay. May masamang bisyo ang tatay ng binata, at dito halos napupunta ang perang kinikita ng nanay niya, kabilang na ang pang-tuition nila. Para makatakas sa mapait na realidad ay umaalis si Remcon ng kanilang bahay. Nakituloy sa mga kapitbahay at kung minsan ay sa mga kaibigan sa malalayong isla. Aminado si Remcon na isa siyang problem child dahil maaga itong sumubok ng mga bisyong sigarilyo, pag-inom at pagsugal.
Kahit pasaway si Remcon, mahusay naman daw itong humawak ng pera. Bata pa lang siya nang magtinda ng yema at mani para sa dagdag kita. Ang pisong yema ay binebenta niya ng tatlong piso, ang tatlong pisong mani ay ibinebenta niya ng limang piso. Nagtrabaho din si Remcon sa pier bilang isang kargador. Sabi ng binata, hindi nya ikinakahiya ang kanyang mga naging trabaho, sa katunayan ay proud siya sa mga ito.
Makatulong kaya ang pagiging madiskarte ni Remcon sa mga tasks o mas mananaig ang pagiging ‘problem child’ nya sa loob ng bahay ni Kuya?
Kaya huwag siyang i-evict! kuwela naman siya.. deserving pah.. wala nang probzz sa kanya di bah!? Vote for Eslove!
Read More on Access Pinoy!
No comments:
Post a Comment